Exhibition

Online

Main Gallery

August 28, 2021

Isinilang at minarkahan, walang kamalay-malay
Sa pagtanggap ng puting pinakabanal sa lahat
Ang nangangakong magliligtas sa kaluluwa kapag ika’y lumisan
Pinahiram ng buhay upang gumanap at sumunod
Nakakahon sa alin ang mabuti at masama
Sa mga utos na tama at mali
Pagsunod
 
Langit at lupa, Araw at buwan
Liwanag at kadiliman
Ginhawa o parusa
Iisa lang ang tatahakin sa dalawang pagpipilian
Sa pagtaboy ng maitim na paniniwala
Puti ang tagapaghusga
Paglinis
 
Humayo’t ihayag
Ang salita at kaisipan ng puting dayuhan
Mangmang ka sa mga mata nila
Dahil naka-ugat sa lupa, kalikasan
At sa mga pananim na kapaki-pakinabang ang lasa
Gawing sambahan ang bawat tirahan
Pagkundisyon
 
Tikman ang puting katawan ng kataas-taasan sa lahat
Na may gawa ng buong sanlibutan
Magsisi, lumuhod at magdasal,
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng mga Espiritu Santo
Para saan, pagpapakain sa kaakuhan?
Pa-ikot-ikot
 
Bawal sumamba sa iba
Bawal magtanong
Kaparusahan para sa mga nagwawaksi
Maitim, unggoy, taong lupa, sinauna
Makinig, sundin, gawin,
pero
Hindi lang iisa ang nagsakripisyo
kundi pati ang daang libong mga ninuno natin
Tumanggap, tinanggap, walang magawa
Pagpapaalala
 
“Pagtatalaga” is Archie Oclos’ 8th Solo exhibition.

This online exhibition will continue to be updated. Please come back to visit this page in its entirety soon.

360° Virtual Tour

Sculptures

Installation Images

Scroll to Top
White Walls Gallery

We use cookies to enhance your experience on our website. For more information, see our Privacy Policy