Parang problema, wala ding katapusan pero wala din namang katapusan ang mga solusyon. pwede mong simulan ulit sa umpisa, pwede mo ding simulan ng panibagong solusyon. Pero kahit malagpasan mo na ang isang problema, asahan mong may kasunod pa, kahit iwasan o laktawan mo ang problema, may dadating at dadating padin. walang katapusan, walang huli.
Dapat tuloy tuloy lang hanggang matapos yung isa, kasi laging may kasunod. mas mahirap ‘kapag nagkasabay sabay. At ‘pag may nakuha ka nang gusto mo, wag ka kagad tumigil. sigurado magkakaron ka pa ng susunod mo pang gustong gawin, tuloy tuloy lang, pwedeng bumagal pero tuloy lang.
Wala namang problemang makuntento, pero minsan kasi kala lang natin na kuntento na tayo pero hindi naman talaga . Ang akala kasi natin hanggang doon na lang tayo, na ayun lang ang kaya natin kaya humihinto na kagad tayo sa isang tagumpay. Na alam mong may kasunod pa pero ayaw mo nang ituloy kasi baka bumagsak ka uli sa ibaba. Pero alam mo na sa sarili mong may gusto ka pa talagang gawin, natatakot ka lang. alam mong hindi pa yun ang huli, na wala naman talagang huli.